SUBIC CHRISTMAS LIGHTING NAGING MAGARBO!

Lubos ang kasiyahan ng mga taong sumaksi sa magarbong pagsasa-ilaw ng ibat-ibang magagandang Christmas Lights sa palibot ng munisipyo ng bayan ng Subic sa pangunguna nila Subic Mayor Jay Khonghun, Cong. Jeffrey Khonghun, Board Member Jon Khonghun at ni dating Gov. Hermogenes ” Jun” Ebdane

Ang pagdiriwang ng Christmas Lighting ay isinagawa kagabi, ika-4 ng Disyembre dakong 6:00 ng gabi kung saan ang nasabing munisipalidad ay napuno ng kumukutitap na libu-libong Christmas Lights at naglalakihang mga parol at Christmas Tree.

Napuno naman ng kilig at hiyawan ang makulay na pagdiriwang nang kasamang dumating ni Mayor Jay Khonghun ang kasintahang si Aiko Melendez na buong gabing naki-bonding sa mga Subikeño.

Bagama’t ito na ang huling taon na makakasamang magpasko ni Mayor Jay Khonghun ang mga Subikeño bilang alkalde ng bayan, ipinangako pa rin niyang patuloy niyang mamahalin at susuportahan ang bayan ng Subic hanggang sa pagtakbo niya bilang Bise Gobernador at katuwang ng tumatakbong Gobernador na si Jun Ebdane sa lalawigan ng Zambales.
Gayundin, maligayang bumati at nagbigay ng mensahe sina Board Member Jon Khonghun, Cong. Jeffrey Khonghun at Running for Governor Jun Ebdane sa mga Subikeño.

Naging makulay rin ang gabi ng Subic nang isa-isang nagputukan ang mga nagbo-bonggahan at naglalakihang Fireworks display na inihanda ng administrasyon ni Mayor Khonghun.

Dahil rito, maningning nang masisilayan gabi-gabi ang buong munisipalidad ng bayan ng Subic at paniguradong trending na naman ito sa mga Social Media sa dami ng mga gustong magpalitrato at pumasyal sa nasabing munisipalidad. Maligayang Pasko mga Subikeño!

 


Contact

Social


Copyright © 2020. Municipality of Subic, Province of Zambales. All rights reserved. POWERED BY: