Mobile Vaccination para sa ating mga Senior Citizen

Bukas, ika 2 ng Agosto 2021, sisimulan ang ating Mobile Vaccination para sa ating mga Senior Citizens.

Pupunta ang ating Vaccination Team sa mga Barangay para masuyod ang mga senior citizen na hindi pa binabakunahan. Mauuna ang Barangay Batiawan ngayong Lunes, susundan naman ito ng

Calapacuan sa Martes at Cawag sa Miyerkules (antabayanan ang kumpletong schedule). Basahin ang ibat iba pang paalala.

✅ Ito ay for Senior Citizens ONLY (A2)
✅ Mga Senior lamang ng barangay na nakaschedule ang babakunahan, kung taga ibang Barangay po kayo at pupunta kayo sa hindi nyo schedule, hindi po kayo mababakunahan.
✅ Kung sosobra ang Bakuna, ipapamahagi ito sa Mga A3 (Non Senior with Comorbidity)
✅ Kung kulang ang bakuna, Flu Vaccine (Optional) po ang ating ituturok.
✅ 2,500 na Janssen doses para sa buong roll out ang gagamitin at ito ay naka porsyento base sa bilang ng populasyon per barangay.
✅ Ang Janssen Vaccine ay One Shot ONLY kaya ito ang ilalaan natin sa mga Senior Citizens at sa mga GIDA area (Malalayong lugar)
✅ Ito ay ilulunsad dahil napansin natin na marami pang Senior Citizen ang hindi nagpalista o hindi pa nababakunahan.
✅ Wala po muna tayong Bakuna bukas, Lunes, ika 2 ng Agosto 2021, sa ating Vaccination Site (Subic Municipal Gymnasium), itutuloy po ito sa Martes August 3.

Naiintindihan po natin na marami ang gustong mag pabakuna kahit na yung mga nagpalista o nagrehistro na, pero dahil hindi pa din sapat ang ating supply tayo po ay naka priority pa din sa A2 at A3.

Panalangin po natin na maging stable na ang supply ng bakuna sa Pilipinas. Salamat po.

#KeepSafeSubic
#Godbless

Contact

Social


Copyright © 2020. Municipality of Subic, Province of Zambales. All rights reserved. POWERED BY: