
Maraming Salamat po! Sen.Bong Go
Congratulations, graduates!
Personal na dinaluhan ni Senator Bong Go bilang guest speaker ang 20th Commencement Exercises ng Kolehiyo ng Subic ngayong Sabado, August 19, na ginanap sa Subic Sports Complex sa Subic, Zambales.
Binigyang pagkilala ng senador ang mga outstanding graduates kung saan nakatanggap ng regalo ang 26 na mga estudyanteng cum laude. Namahagi rin ang senador sa lahat ng 556 graduates ng gift packs bilang saludo sa kanilang pagsisikap at determinasyon na makapagtapos sa kanilang kursong kinuha.
Pinasalamatan din ni Senator Kuya Bong Go ang faculty members, mentors at mga magulang ng mga estudyante dahil sa kanilang pangangaral at gabay na ibinigay para makarating sila sa puntong ito.
Dumalo rin ang ilang local officials sa pagtitipon gaya nina Congressman Jefferson F. Khonghun, Vice Governor Jaqueline Rose Khonghun, Mayor Jonathan John F. Khonghun at Vice Mayor Lauro Boy Simbol ng Subic, Zambales, Mayor Jeffrey D. Khonghun ng Castillejos, Zambales at ang nagtatag ng Kolehiyo Ng Subic, at Councilor Osias Huerta.
#SenatorBongGO
#MrMalasakit
#BisyoAngMagSerbisyo 👊🏼🇵🇭