Magbubukas na muli ang face to face consultation ngayong darating na Lunes


Magbubukas na muli ang face to face consultation ngayong darating na Lunes (100 patients per day) at tuloy tuloy pa din ang OutPatient Telemedisina tuwing 8am hanggang 5pm.
May mga pagbabago sa ating Rural Health Unit. Ito ang mga sumusunod:
1. Resbakuna laban sa Covid19
– Madadagdagan ang ating vaccination site/s. Maliban sa ating Subic Municipal Gymnasium, magiging Vaccination Site din ang Waltermart. Maliban dyan, sisimulan na din ang Mobile Vaccination sa mga malalaking kumpanya sa ating Munisipalidad.
2. RHU Extension (Mangan Vaca Elementary School)
– Simula sa Lunes, lahat ng mga pasyenteng edad 15 pataas na may Flu Like Illness na sintomas (Lagnat, Ubo, Sorethroat, Sipon atbp) at mga konsultang nangangaylangan ng Medical Certificate dahik umabsent sa trabaho ay inaatasang magpakonsulta sa Mangan Vaca Elementary School. Lahat naman ng mga batang pasyente (Pedia) o mga konsulta na di paukol sa Covid19 o Flu Like Diseases ay titignan sa RHU (Center). Sa pamamagitan nito maiiwasan natin ang hawaan sa pagamutan at matetest at maiisolate agad ang mga Suspects o RAT positive. Magkakaron pa din ng Triage sa RHU para gabayan ang mga magpapakonsulta.
Magtulungan po tayo para maapulaanan natin ang wave na ating nararanasan.
#KeepSafeSubic
#Godbless

 

Contact

Social


Copyright © 2020. Municipality of Subic, Province of Zambales. All rights reserved. POWERED BY: