Isinagawa ang Farmers Field School (FFS) on PalayCheck System Graduation and Field Day

Ngayong ika-1 ng Marso, 2023 sa St. Theodore, Mangan-Vaca, Subic, Zambales.
Ang nasabing FFS ay nagsimula noong November 23, 2022 hanggang March 1, 2023 sa bukid ng ating farmer cooperator, Mr. Emilio Apostol. Ang PalayCheck System ay isang gabay sa pagpapalayan o sistema ng pamamahala ng palay na nagpapakilala sa mga pinakamahusay na teknolohiya para makamit ang Key Check; humihikayat sa mga magsasaka na ikumpara sa kanilang kasalukuyang gawain sa pagbubukid ang mga rekomendadong pamamaraan; at nagtuturo sa bisa ng sama-samang pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga magsasaka nang maituwid ang mga pagkukulang sa pagpapalayan, madagdagan ang ani at kita, at hindi maabuso ang kapaligiran (www.philrice.gov.ph).
Naging matagumpay ang Graduation at Field Day sa pamamagitan ng tulong tulong na pagdalo at pagsuporta ng mga farmer participants, mga staff ng Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni Mayor John F. Khonghun at Municipal Agriculturist Miguela Lolita Buan, mga staff ng Provincial Agriculture Office sa pamumuno ni Gov. Hermogenes Ebdane, OIC-Provincial Agriculturist Crisostomo Rabaca at Supervising Agriculturist Joey Alvior, ni Mangan-Vaca Brgy. Captain Alex Viray kasama ng kanyang mga kagawad, MAFC Chairwoman Aurora Florita at ilang mga kaanak ng graduates.

Contact


Copyright © 2020. Municipality of Subic, Province of Zambales. All rights reserved. POWERED BY: